Naranasan mismo ng isang Pinoy at kanyang pamilya ang paglamon ng wildfire sa kanilang lugar sa Maui Island sa Hawaii.
"Pagka-open palang ng pintuan namin, ramdam na namin ‘yung init sa mukha. Pag-escape namin akala ko talaga katapusan o mamamatay na kami... Naso-suffocate na kami ‘nung nag-escape kami," kuwento ng Pilipinong si June Carlo Santos.
Wala pang kumpirmadong Pilipinong nasawi sa wildfire, ayon sa Department of Foreign Affairs o DFA. Ayon naman sa Filipino Chamber of Commerce sa Maui, daan-daang Pilipino ang patuloy na pinaghahanap sa ngayon.
Ang sitwasyon sa ground zero roon, panoorin sa video.